Tuesday, March 27, 2012
Kasalan sa Nayon
ni Eleuterio P. Fojas
Hindi niya nalilimutan, na noong siya ay may gulang na sampung taon pa lamang, akapatid niyang pinakamatanda sa lahat sa kanila, ay ikinasal. Dalawang bakang matataba, dalawang baboy na mabibilog, at hindi niya mabilang kung ilang manok, ang pinatay noon. Lahat halos ng tao sa nayon ay nagsidalo, ang kainan ay nagsimula sa umaga at natapos sa hapon at pagkatapos ng kasalan ay may ipinamigay pa ang kanyang ina sa mga kapitbahay at sa lahat ng annunulungan sa handaan. Hindi niya matandaan ngayon kung makailan siyang kumain ng araw na iyon.
Araw ng Linggo nang ikasal ang kanyang Kuya Saro. Sabado pa lamang ng gabi ay lubhang marami na ang mga tao sa bahay ng magiging kaisang-palad ng kanyang kuya. Mga dalaga at binata, mga matatanda, at pati mga bata ay nakatipun-tipon doon. Kung pagmasdan niya ay hindi magkamayaw ang lahat. Para-parang may ginagawa. At ang salitaan ng bawat isa ay nakatutulig. Hatinggabi na tuloy nang siya’y makatulog noon.
Nang matapos ang kasal sa munting bisita sa kanilang nayon kinaumagahan ay inihatid pa ng isang bandang musko ang mga bagong kasal sa bahay ng babae. Maraming tao ang sumama buhat sa simbahan at sa mga tabi ng daan ay marami ang nangatayong pawang nagmamasid. Ang kanyang mga kapuwa bata na kasaa niyang sumunod sa banda ng musko ay pawang nangagsosogawan pa. Masayang-masaya ang lahat, pati ang kanyang ama at ina, na bagaman nakita niyang napaluha nang humalik sa kanilang kamay ang mga bagong kasal, ay palagi nang nakangiti nang araw na iyon. Samantalang sinasaksihan niya ang lahat ng iyon ay nakakaramdam siya sa kanyang puso ng kung ano, ngunit lubha siyang nasisiyahan. Ang laha ng iyon ay naukit sa kanyang alaala at ngayo’y labis niyang kinasasabikan.
Ganyan din ang ninanais ni Alberto sa araw ng kanyang kasal. Ibig din niya’y may handaan at may kasayahang katulad ng sa kasal ng kanyang Kuya Saro.
Hindi ba’t ang araw ng kanyang kasal ang siyang magiging kahuli-hulihang araw ng kanyang pagka-binata? Hindi baga naman magiging kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay na tila isang bagay na napulot lamang sa daan?
May katwirang ipagsaya ang araw ng kasal ng isang tao. Walang kailangan kung ano man ang sasapitin ng mag-asawa pagkatapos. Iyan ay hindi pumapasok sa kalooban ng sino mang ikakasal sa araw ng kanyang pakikipag-isang dibdib. At, ang gugugulin...? Ang lahat nang iyan ay magagawan ng paraan. Bakit nga ang kanyang Kuya Saro, kahit na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo ang kanyang ama na katuad din ngayon, ay naaaring ikasal nang maringal, masaya at may saganang kainan?
Aanyayahan niya, hindi lamang ang lahat ng litaw na tao sa kanilang nayon, kundi pati ang Alkalde ng bayan, ang Tesorero, ang Hepe ng Pulisya at ang mga kaibigan ng mga ito. Magkakaroon din ng maraming pagkain at alak na iinumin. At hindi maaaring walang tugtugan. Pagagayakan ang bisita sa nayon at doon sila ikakasal.
Katulad din ng Kuya Saro, upang huwag lumaking lubha ang kanilang gugol, ay manghihiram na lamang siya ng isang terno kay Abogado Narding na kasintaas niya at nakakasinlaki niya ang pangangatawan. Hinggil sa kasuutang pangkasal ng kanyang magiging kabiya, aba, bibigyan niya ito ng limampung piso, katulad din ng ginawa ng kanyang Kuya Saro, upang ipamili ang maiibigan.
Ang lahat ng iya ay napagkayarian na ni Alberto at ng kanyang ama. “Hindi na matatapos ang aking buhay na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo sa habang panahon,” ang ibig isagot ng kanyang ama bilang katugunan sa lahat ng panukala ni Alberto. Subali, ang marahan at malumanay na ipinakli niya sa kanyang anak ay ganito:
“Pabayaan mo at gagawan ko ng paraan ang lahat ng iyan. Makikipag-usap ako kay Ingkong Karyo.”
Hindi napansin ni Alberto ang pangungulimlim ng mukha ng kanyang ama na noon ay tila nag-iisip nang malalim. At lalong hindi nalalaman ni Alberto na masaganang luha ang bumalong sa mga mata ng kanyang ina nang matanto ang mga kinakailangang ihanda sa nalalapit na kasalan.
Huwebes pa lamang ng hapon ay nakita na ng amga taganayon sa Amaya na dalawang bakang matataba ang nakatali sa puno ng sampalok sal likod-bahay nina Alberto. At kinabukasan ng umaga, madilim-dilim pa halos ay nakalalagim an sigaw ng dalawang baboy na mabibilog ang pumukaw sa pagkakahimbing ng mga kapitbahay nila. Tangkal-tangkal na manok ang idinating pa noong Sabado ng hapon.
“Mukhang malakasan ang kasal ni Alberto,” ang salitan ng isa’t isa sa pagupitan ni Isyo nang Sabadong iyon.
“Talagang ganyan tayong mga taganayon kung napapasubo,’ ang nakangiting tugon ng isang matandang kasalukuyang noong ginugupitan ni Isyo.
Ano pa nga’t talagang malakasan ang kasal ni Alberto. Lahat ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan. Sabado pa lamang ng hapon, ay nasa tahanan na ni Angela,ng kanyang makakaisang-dibdib at hindi magkamayay sa paggawa. Naroon si Pablong Tapa na siyang naglalapa ng dalawang bakang matataba. Si Olet ang siyang pumatay sa dalawang baboy na mabibilog. Ang mga dalaga at ilang matatanda ang pumupugot sa mga liig ng manok at naghihimulmol sa mga iyon. Si Martang Batok at si Eboy naman ang pinagpapawisan mula sa liig hanggang sa mga paa sa paghaot ng tubig sa may-kalayuan din namang igiban. At si Ture ang nagpapalakol sa malalaking putol na kayoy na panggatong. Sa harapan ng bahay nina Angela ay nagtayo sina Tiyo Kantong, Tinteng Pulo, Kayong, Ulo, Able, Imyon at iba pa, ng isang palapala ng pinagdatig-datig na mga layag na dinampol na nakatali sa batalan ng bahay ay may tatlo o apat na tungko ng malaking bato na kinasasalangan ng mga pinaglulutuan ng sinaing at mga pang-ulam. Ang nangangasiwa rito ay si Pakitong kusinero. Sa ilalim ng palapala ay may tatlong mahahabang hapag na pinagdugtung-dugtong at napaliligiran ng mga bangkon mahahaba rin. Dito nagsisikain ang mga pangkaraniwang tao sa nayon, inanyayahan man o hindi, na dadalo sa kasalan.
Sa itaas ng bahay, sa makaanhik ng hagdan, ay may isa pa ring malaking hapag na siyang kakanan naman ng mga bagong kasal at mga piling panauhin.
Ang pinakahihintay na araw ng Linggo, ang araw ng kasal, ay sumapit din. Ang mumunting bisita sa nayon na napapalamutihan ng mga bulaklak at maraming papael na may iba’t ibang kulay, ay nagsikip sa maraming taganayong nanonood sa kasal ni Alberto at ni Angela. Pagaktapos na makasal, sinabugan pa sila ng masaganang bigas nang lalabas na lamang sa bisita at inihaid pa ng banda ng musiko, kasama ang makapal na tao, sa tahanan ng babae. May mga paputok pang nagpasikdo ng dibdib.
“Talagang ibang magpakasal ng anak si Mang Ambo,” ang bulong ni Tininteng Edes kay Konsehal Kose samantalang sila’y kumakain.
“Iyan ang tungkulin ng isang ama sa kanyang anak na lalaki’” ang parawang wala sa loob namang tugon ni Konsehal Jose.
Nang matapos ang pagpapakain sa lahat ng panauhin ay mag-iikalawa na ng hapon. Ang tugtugan, satsatan, at halakhakan ay noon pa lamang nagwakas. At, kaya lamang may kaunti pang kaguluhan ay dahil naman sa pagliligpit ng mga kasangkapang ginamit sa kasalan na ang karamihan ay hiram sa mga kapitbahay.
Mag-iikatlo na marahil ng hapon nang iuwi ni Alberto si Angela sa kanilang tahanan. Marami pa ring tao, mga kaibigan at kamag-anak, ang nagsisama sa kanila. At pagdating sa bahay ay muli na namang nagkaroon ng inuman ng alak, siagawan at pagkakatuwa na umabot hanggang sa mag-iikawalo marahil ng gabi.
Sa kabila ng marubdob na pagnanais ni Alberto sa maringal at masayang kasalan bago dumating ang araw na iyon, ay nakaramdam din siya ng pagkayamot nang hindi pa umaalis ang mga panauhin. Naiinip siya sa mga taong tila hindi nasisiyahan sa masaganang handang kanyang idinulot. Sa kabila ng lahat, ay may karapatan naman siyang masarili ang ngayo’y kabiyak na ng kanyang puso sa harap ng Diyos at sa harap ng batas.
Sa wakas ay lumisan din nga ang mga panauhin. Pagkakain nila ng hapunan at pagkatapos ng ilang sandali ng pakikpagkuwentuhan ay nasok na sila ni Angela sa tanging silid na tutulugan sa kanilang bahay, na napapagitnaan lamang ng sawali mula sa buwagang hihigan ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Masaya silang dalawa, matagal na nagbiruan, nagtuksuhan at nagtawanan. Nang ang gabi ay malalim na at tahimik na ang lahat, ay hindi natiis ni Alberto na di itanong nag malaon nang inais niyang itanong.
“Giliw, nasiyahan ka ba sa maringal at masaya nating kasal?”
“Mangyari pa,” isasagot sana ni Angela na siya namang hinhintay ni Alberto. Subalit, si Angela ay hindi nakatugos. Si Alberto naman ay natigilan, May naulinigan silang nag-uusap.
“Magkano ang inutang mo kay Ingkong Karyo para sa kasal ni Alberto?” Tinig yaon ng ina ni Alberto.
“Tatlong daang piso, hindi pa kasali roon ang dalawang baka. Bukas daw niya ahalagahan.” Si Mang Ambgo ang nagsasalita.
Ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata. Tinakpan ng dalawang palad ang kanyang mga tainga. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang nakinig.
“Hindi na tayo makakabayad sa pagkakautang kay Ingkong Karyo. Hangga ngayon ay hindi pa natin nababayatain ang ating inutang sa kasal ni Saro!”
“Kaipala nga, at lalo pa kung iisiping apat pa itong anak nating lalaki na hindi nakakasala,” ang buntung-hininga ni Mang Ambo.
Muling ipinikit ni Alberto ang kanyang ga mata, tinakpan ng dalawang palad ang kanyang mga tainga at hanggang sa sumapit ang umaga, siya’y hindi nakatulog kahit isang saglit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sinu ung mga tauhan/
ReplyDeleteAno po Yung simbolismo sa kwento ng kasalan sa nayun
Deletealberto,kuyasano,ina at ama,ingkong karyo
ReplyDeletedapat iwaksi yong mga kultyra natin na hindi karapat dapat kagaya ng pangungutang ng sobra para maging marangya lamang ang pagdiriwang kung sa katapusan umiiyak lamang dahil nabaon na sa utang
ReplyDeletesaan ginanap ang kuwento?
ReplyDeletesa filipino
DeleteSame
Deletemahina ako sa tagalog kahit pilipino ako bakit kaya?
ReplyDeleteako rin naman HAHAHA
DeleteUri ng panitikan
ReplyDeleteEstilo sa pagsulat ng awtor?
ReplyDeletebuod ols
ReplyDeleteanong uri ng kwento na ito?
ReplyDeleteano ang ginawa ni mang ambo para matuloy ang kasal ni alberto?
ReplyDeleteNangutang ng pera kay mang Karyo
DeleteIto ang edad ni Alberto nang masaksihan niya ang kasal ng kanyang kuya
ReplyDeleteSampung taong gula
ReplyDeleteAni naman yung suliranin
ReplyDeleteAno naman yung suliranin sa akda na ito
ReplyDeleteGustong-gusto ni alberto ng isang magarbong kasal. Hindi niya alam na kaya nagkaroon ng magarbong kasalan ang kanyang kuya ay dahil nangutang lamang ang kanilang mga magulang. At ngayon, hindi alam ng kanyang mga magulang kung saan ulit kukuha ng pera.
DeleteImahe at Simbolo:
ReplyDelete• At napaupo na tila papanawan na ng lakas. Bumalon ang luha sa mata ng kanyang ina.
Kahulugan:
Kulturang Mahihinuha:
🍑
Imahe at Simbolo:
•Dito din nagsisiksikan ang mga pangkaraniwang tao sa nayon, inanyayahan man o hindi.
Kahulugan:
Kulturang Mahihinuha:
🍎
Imahe at Simbolo:
•Ipinikit ni Alberto ang mata niya at tinakpan ng dalawang palad ang kanyang tainga hanggang sa sumapit ang umaga. Siya’y hindi na nakatulog kahit isang saglit.
Kahulugan:
Kulturang Mahihinuha:
ano ang tunggalian sa akda na ito?
ReplyDeleteano ang mahalagang pangyayari sa akdang ito?
ReplyDeletemaikling buod?
ReplyDeletePaano ipanakita Nina mang ambo at ng kaniyang asawa ang pagmamahal niya as kanilang anak???
ReplyDeleteano an ginawa ni Mang Ambo para matuloy ang kasal ni alberto? paki answer nalng po pls
ReplyDelete
ReplyDeleteAnong klaseng kuwento ang Kasalan sa Nayon, moderno o tradisyunal?
anong uri ito ng kwento?
ReplyDeleteKuha ka bato pok² mo sa ulo mo don malalaman kong kwento yan
Deletesaan yung banghay, tagpuan, tauhan, tema pananaw o point of view
ReplyDeleteKung ikaw ang nasakalagayan ng pangunahing tauhan, ano ang mga hakbang o solusyon na iyong gagawin para malutas ang problema?
ReplyDelete