tag:blogger.com,1999:blog-69920166532177988442023-07-19T00:01:18.583-07:00Maikling Kwentong TagalogUnknownnoreply@blogger.comBlogger5125tag:blogger.com,1999:blog-6992016653217798844.post-90613029394160500742019-03-19T19:33:00.001-07:002019-03-19T19:41:30.479-07:00Sa Bagong Paraiso
ni Efren Abueg
Nilisan ng batang lalaki at batang babae ang kinagisnang daigdig upang lasapin ang biyayang handog ng itinuturing nilang Bagong Paraiso.
Sa simula’y mga bata silang walong taong gulang - isang lalaki at isang babae. At ang kanilang daigdig ay isang malawak na loobang tinitirikan ng dalawang tabla’t yerong bahay, na ang isa’y nasa Silangan at ang isa’y nasa Kanluran: at sa pagitan niyon ay walang bakod na nakapagitan.
Ang malawak na looban ay mapuno, mahalaman, maibon, at makulisap at may landas na humahawi sa dawagan at tumutugpa sa dalampasigang malamig ang buhangin kung umaga, nguni’t nakapapaso sa tanghalian.
Ang kanilang daigdig ay tahimik; ang kanilang kabuhayan ay hindi suliranin; ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway – ang mga ito’y maka-Diyos at walang araw ng Linggo o araw ng pangilin na hindi makikita ang mga ito sa kanilang bisita sa dakong hilaga ng nayon.
Ang mga ito’y may rosaryo sa kanilang mga palad at may mga usal ng dalangin sa mga labi.
At silang dalawa - ang batang lalaki at ang batang babae - ay nagsisipag-aral, kasama pa ng ibang bata sa maliit na gusaling may tatlong silid sa dakong timog ng nayon. Sila’y may mga pangarap, na ang sakop ay lumalakdaw sa hangganan ng nayong iyon, ng bayang iyon, at ng lalawigang kinaroroonan niyon.
Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa’y naglalaro sa loob ng bakurang iyon, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga punong santol, sa punong bayabas, sa marurupok na sanga ng sinigwelas, maaligasgas at malulutong na sanga ng punong mangga. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang kanilang mukha at kung minsan ay nalilinsaran sila ng buto kung nahuhulog – ngunit ang lahat na iyon ay hindi nila iniinda, patuloy sila sa paglalaro.
Malamig sa ilalim ng punong mangga. Makapal ang damo sa sakop ng lilim niyon kung umaga at doon silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran at kung sila’y humihingal na ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang malalabay na sanga ng puno, sisilip sila sa pagitan ng masinsing mga dahon at magkukunwaring aaninawin sa langit ang kanilang mukha.
“Loko mo … makikita mo ba ang mukha mo sa langit? “ minsan ay sabi ng batang babae.
“Bakit hindi? Ang langit ay isang malaking salamin, sabi ni Tatay ko.” sagot naman ng batang lalaki.
Ang batang babae ay makikisilip din sa pagitan ng masinsing mga dahon, na waring ibig patunayan ng sariling paningin ang sinabi ng kalaro. At pagkaraang tumingin sa langit nang matagal, sila’y lalagumin ng katahimikan – ang kanilang katawan ay nakalatag na parang mga kumot, hanggang sa sila’y makatulog at gisingin sila ng tawag mula sa kanilang bahay.
Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising: kung minsan naman ay ang batang babae. Nguni’t sino man sa kanila ang unang magising, kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang taynga ng natutulog. At ang natutulog ay mapupukaw, mababalikwas at pagkarinig na siya’y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila’y maghahabulan sa damuhang iyon, magpapa- ikut-ikot haggang sa ang isa’y mahapo at sila’y muling bumagsak sa kalamigan ng damuhan, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkaka - dantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan.
Kung sila’y nagsasawa na sa loobang iyon, sila’y nagtutungo sa dalampasigan kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi. Inilalagay ng batang lalaki sa bulsa ng kayang putot na pantalon ang nakukuha niyang kabibi, at ang nadarampot naman ng batang babae ay inilalagay nito sa sinupot na laylayan ng suot niyang damit. Kung hindi naman kabibi ang pinagkakaabalahan nila sa dalampasigan, naghuhukay sila ng halamis sa talpukan, o kaya’y gumagawa ng kastilyong buhangin, o kaya’y nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi nangungubli sa kanilang malalalim na lungga ay lumulusong sa talpukan at bumabaon sa masigay na buhangin.
ii
Ngunit hindi lamang iyon ang kanilang ginagawa: Nagtutudyuhan din sila, naghahabulan at kapag nahahapo na, mahihiga rin sila sa buhangin, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi, nagkakangitian sila. Minsan ay itinatanong ng batang lalaki sa batang babae:
Naririnig mo ba na may tumutunog sa aking dibdib?”
At ang batang babae ay nagtaka. Bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro.
“ Pakinggan ko nga,” anang batang babae.
Inilapit ng batang babae ang kanyang taynga sa dibdib ng batang lalaki,dumadaiti ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok.
“Ang bango mo pala!” ang batang lalaki ay nakangiti.
“Aba … hindi naman ako nagpapabango, “ anang batang babae na lumupasay sa tabi ng nakahigang kalaro. “ Paglaki ko raw ay saka na ako magpapabango, sabi ng nanay ko.”
“Teka nga pala, narinig mo ba ang tunog sa dibdib ko? usisa ng batang lalaki.
“Oo … ano kaya ang ibig sabihin niyon?”
Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. “Malay ko … tena na nga.”
Bumangon ang batang lalaki, pinagpag ang buhanging dumikit sa kanyang bisig at sa kanyang pantalon at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa paglubog na araw.
“Ang ganda, ano” naibulalas ng batang lalaki. “Parang may pintang dugo ang langit.”
“Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?” sagot naman ng batang babae.
Hindi sumagot ang batang lalaki. Nakatanaw ito sa mapulang latay ng liwanag ng araw sa kanluran.
iii
Puring-puri ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiinggitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makihalubilo sa kanila.
“Siguro, paglaki ng mga batang ‘yan… silang dalawa ang magkakapangasawahan.
Narinig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila’y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa’y parang tuko - magkakapit.
At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila ay humarang sa kanilang dinaraanan at sila’y tinudyo nang tinudyo.
“Kapit-tuko! Kapit-tuko!”
Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag nito sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulong-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila’y inawat at sila’y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing “desk” at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit.
Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila’y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay.
iv
Namulaklak ang mga mangga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay dugo ang silahis ng araw kung dapit- hapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila’y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan – sapagkat sabi ng kanilang lola’y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila’y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo, silang dalawa’y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhanan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas . Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki’y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit.
At ang pamumulaklak at pamumunga ng mangga, santol at sinigwelas at ng iba pang punongkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling: ang araw ay lumubog at sumikat at hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapit - hapon.
Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-uusapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak.
v
Nang dumating ang pasukan, ang batang lalaki at ang batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng haiskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki’y hindi na nakapantalong maikli - putot: siya’y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid ng pomada. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito.
Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan.
Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki’y hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro – siya’y nakahalubilo na rin ng maraming batang lalaking pumapasok sa nagagapok nang gusaling iyon ng paaralan. Nakikipagharutan siya sa mga ito, nakikipagbuno, nakikipagsuntukan – at higit sa lahat, nakikipagtuklasan ng lihim sa isa’t isa. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog sa isang batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya.
Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama.
Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa iyon.
Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat.
“Kailangan ‘yon upang ikaw ay maging ganap na lalaki! “ sagot ng kanyang ama.
Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata’y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang malay.
“Hayaan mo … “dugtong ng kanyang ama. “Isang araw, isasama kita kay Ba Aryo. Maging matapang ka lamang sana … “
Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya’t kahit patuloy pa rin silang nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki.
At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya’y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog.
“Ang damuho … pagkalaki-laki’y parang hindi lalaki.”
Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang malay.
vi
Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito’y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito sa isang dapit - hapon sa tabing-dagat.
“Bakit?” usisa niya.
“Wa – wala … wala!”
Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang sigla niya sa pakikkipaglaro rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito … hanggang sa mahawa ito at sila’y naghabulan sa buhanginan. Sumisigaw sila sa katuwaan hanggang sa manigas ang kanilang mga binti at kinakailangang humiga naman sila sa buhanginan. Humagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at nadama niyang lalong malakas ang pintig doon.
“Tingnan mo … pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko,” anyaya ng batang lalaki.
Ngunit hindi kumilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito.
“Bakit?”
Saka lamang tumigin ang batang babae sa batang lalaki. At ito’y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi’y pinahid ng palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin.
“ Hindi na pala tayo maaaring maglaro… ng tulad ng dati,” anang batang babae sa basag na tinig.
“Hindi na?” Parang sasabog sa kawalang-malay ang katauhan ng batang lalaki.
“Malalaki na raw tayo … malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo’y magiging dalaga … at binata.”
“Sinabi ‘yon ng Nanay mo?”
“Oo, sinabi niya … na hindi na tayo maaaring maghabulan, o kaya’y umakyat sa punongkahoy o kaya’y pagabi sa tabing dagat,” sabi pa ng batang babae.
“Kangina sinabi sa’yo … ng Nanay mo?”
Tumango ang batang babae “Ngayon daw … hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na … at ikaw raw ay binatilyo!”
At waring ang batang lalaki’y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay naunawaan niyang totoo ang sinabi nito.
“Ayaw ka na palang papuntahin dito’y … bakit narito ka pa … gabi na!?
Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pagkakahawak nila sa bisig ng isa’t isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan.
vii
Hindi na nga sila mga bata. Siya’y dalagita na. Siya naman at binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpapaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa
pagitan nila. Nagkita pa rin sila sa looban, ngunit hindi nga lamang tulad ng dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang laging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralran, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tulo’y ay hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay hindi na malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang gagamitin.
At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng likod bahay.
Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: Hindi mo na kailangang dito pa labhan ‘yan…
viii
Nagtapos sila ng haiskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanyang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-usap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang mga labi’y tikom at kung gumagalaw man upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon.
At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpalaki sa lamat a kanilang kawalang - malay.
ix
Maliwanag ang naririnig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawan niya ang ibig sabihin niyon, nguni’t ang pagtutol ay hindi niya maluom sa kanyang kalooban.
“Pero, Inay … Kaibigan ko si Ariel.” May himagsik sa kanyang tinig.
“Kahit na … kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin. “ May langkap na tigas ang sagot na iyon.
Alam niya ang kahulugan niyon: Masama? Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama.
“Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!”
At ang pait na may iniuukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawngaw ng : Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid.
“Ayaw nila … ng Inay, ng Itay … masama raw,” at ang mga labi niya’y nangatal, kasabay ng luhang umahon a kanyang mga mata.
x
Iyon lamang at minsang dalawin siya ng binata sa dormitoryo, natuklasan nila sa isa’t isa na mataas na ang dingding sa kanilang pagitan. Matatag iyon, makapal, at waring hindi nila maibubuwal.
“Huwag na muna tayong magkita, Ariel,” sabi niya sa binata. Napatitig sa kanya si Ariel at nakita niya ang pamamantal ng noo nito – at pagtataka sa damdaming unti-unting nasasaktan.
“Ba-bakit … dati naman tayong …”
At si Ariel ang kanyang kababata ay lumisang larawan ng isang bilanggong hindi nakaigpaw sa isang mataas na pader.
xi
Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna agad iyon ng kanyang ama.
“Bakit?”
“Ayaw nang makipagkita sa akin si Cleofe,”
Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng kaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin.
“Walang kuwenta ‘yon. Makita mo, kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit kayong muli. Hindi mo ba alam … na gustung-gusto ng kanyang mga magulang na maging doktora siya?
Pagsigaw ang alingawngaw ng kanyang tinig sa kanyang isip.
“At habang nagdodoktora siya ay masamang kami’y magkita?”
“Tama ka! “ maagap na pakli ng kanyang ama. “Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso! “
“Tukso! Tukso! Parang matalim na kutsilyong isinaksak sa kanyang utak ang katagang iyon. Mahapdi, Makirot. Parang binibiyak ang kanyang ulo.
Napapikit siya. Nagunita niya ang luntiang damuhan sa looban ang malamig na buhanginan kung hapon, ang mapulang silahis ng araw na parang dugo.
xii
At ang dalawa’y hindi nagkita, gayong nasa isang lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari’y iniiwasan nila ang magkita, mangyari’y sinisikil nila ang paglago ng halaman sa kanilang katauhan na pinag-uugat at pinapag-usbong ng mga araw sa luntiang damuhan sa looban at malamig na buhangin sa dalampasigan kung dapit - hapon. Hindi sila nagkita, sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. At sa kanilang bagong daigdig ng aklat, ng mataas na gusali ng malayong kabataan sa kapaligiran, ang isiping iyon ay parang tabak na nakabitin sa kanilang ulo o kaya’y tulad din ng isang mansanas na bibitin - bitin sa nakayungyong na sanga ng punongkahoy.
Hindi sila nagkita sa loob ng mahaba ring panahon, mga buwan at sana’y mga taon kung nakatiis sila - kung tuluyang nasikil nila ang halamang patuloy sa pagbabago sa kanilang katauhan.
xiii
Hindi nga sila nakatiis - isang araw na hindi sinasadya’y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ay naglakas loob at binati niya ang dalaga.
Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restaurant ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos ng kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang
hininging pagkain, sila’y nagkatitigan at sila’y nakalimot at akala nila’y nasa luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa’t isa.
xiv
At sila’y nagkita sa Luneta, hindi lamang minsan kundi sa maraming pagkikita, marami-marami, at ang kanilang sikil na damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan sila’y lumigaya.
Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isip ay sumibol na at nagpapaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Nguni’t sila’y naghihimagsik.
xv
Malinaw ang sinabi sa sulat: sa pook pa namang iyon, sa lahat ng pook na dapat mong pakaiwasan - doon kayo nakita. Hindi na sana malubha kung nagkita lamang kayo ngunit nakita kayong magkahawak - kamay … sa karamihan ng tao sa paligid. Hindi kayo nahiya.
Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang iyan.
… ipinaaabot dito ng mga magulang ni Cleofe ang ginawa ninyo. Hiyang-hiya kami ng iyong ama. Ibig naming makatapos ka … at ibig naming ipaalalang muli sa iyo na ang babae ay tukso … tukso!
Kaya ibig niyang umalis sa silid na iyon upang hindi marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso – tukso – tukso !
xvi
Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinabi ng binata: magkikita tayo, magtatago tayo … ililihim natin sa kanila ang lahat.
At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik, ng takot na matutop, at ng pangangailangan.
Sa mga pook na iyon pilit nilang iginupo ang dingding na ipinagitan sa kanila. At sa palagay nila sila ay nagtagumpay. Naalis ang hadlang. Ngunit sa kanilang utak, nagsusumiksik at nanunumbat ang alingawngaw ng pagbabawal: lumalarawan ang nananalim na tingin! Masama … tukso!
xvii
At ngayon, ang kanilang paraiso ay hindi na ang malawak na looban, o kaya’y ang dalampasigang malamig kung dapit - hapong ang silahis ng araw ay mapulang parang dugo. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, sulok-sulok, malamig din ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan.
xviii
Maligaya sila sa kanilang daigdig, Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin.
Ang dalaga ay dumungaw sa bintana – masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umakyat sa kanyang lalamunan.
Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nalinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya’y napanganga at siya’y napapikit at siya’y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya … at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa’y nilinis ng patak ng ulan, inanod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan.
At ang dalaga’y napabulalas ng iyak.
ni Eleuterio P. Fojas
Hindi niya nalilimutan, na noong siya ay may gulang na sampung taon pa lamang, akapatid niyang pinakamatanda sa lahat sa kanila, ay ikinasal. Dalawang bakang matataba, dalawang baboy na mabibilog, at hindi niya mabilang kung ilang manok, ang pinatay noon. Lahat halos ng tao sa nayon ay nagsidalo, ang kainan ay nagsimula sa umaga at natapos sa hapon at pagkatapos ng kasalan ay may ipinamigay pa ang kanyang ina sa mga kapitbahay at sa lahat ng annunulungan sa handaan. Hindi niya matandaan ngayon kung makailan siyang kumain ng araw na iyon.
Araw ng Linggo nang ikasal ang kanyang Kuya Saro. Sabado pa lamang ng gabi ay lubhang marami na ang mga tao sa bahay ng magiging kaisang-palad ng kanyang kuya. Mga dalaga at binata, mga matatanda, at pati mga bata ay nakatipun-tipon doon. Kung pagmasdan niya ay hindi magkamayaw ang lahat. Para-parang may ginagawa. At ang salitaan ng bawat isa ay nakatutulig. Hatinggabi na tuloy nang siya’y makatulog noon.
Nang matapos ang kasal sa munting bisita sa kanilang nayon kinaumagahan ay inihatid pa ng isang bandang musko ang mga bagong kasal sa bahay ng babae. Maraming tao ang sumama buhat sa simbahan at sa mga tabi ng daan ay marami ang nangatayong pawang nagmamasid. Ang kanyang mga kapuwa bata na kasaa niyang sumunod sa banda ng musko ay pawang nangagsosogawan pa. Masayang-masaya ang lahat, pati ang kanyang ama at ina, na bagaman nakita niyang napaluha nang humalik sa kanilang kamay ang mga bagong kasal, ay palagi nang nakangiti nang araw na iyon. Samantalang sinasaksihan niya ang lahat ng iyon ay nakakaramdam siya sa kanyang puso ng kung ano, ngunit lubha siyang nasisiyahan. Ang laha ng iyon ay naukit sa kanyang alaala at ngayo’y labis niyang kinasasabikan.
Ganyan din ang ninanais ni Alberto sa araw ng kanyang kasal. Ibig din niya’y may handaan at may kasayahang katulad ng sa kasal ng kanyang Kuya Saro.
Hindi ba’t ang araw ng kanyang kasal ang siyang magiging kahuli-hulihang araw ng kanyang pagka-binata? Hindi baga naman magiging kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay na tila isang bagay na napulot lamang sa daan?
May katwirang ipagsaya ang araw ng kasal ng isang tao. Walang kailangan kung ano man ang sasapitin ng mag-asawa pagkatapos. Iyan ay hindi pumapasok sa kalooban ng sino mang ikakasal sa araw ng kanyang pakikipag-isang dibdib. At, ang gugugulin...? Ang lahat nang iyan ay magagawan ng paraan. Bakit nga ang kanyang Kuya Saro, kahit na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo ang kanyang ama na katuad din ngayon, ay naaaring ikasal nang maringal, masaya at may saganang kainan?
Aanyayahan niya, hindi lamang ang lahat ng litaw na tao sa kanilang nayon, kundi pati ang Alkalde ng bayan, ang Tesorero, ang Hepe ng Pulisya at ang mga kaibigan ng mga ito. Magkakaroon din ng maraming pagkain at alak na iinumin. At hindi maaaring walang tugtugan. Pagagayakan ang bisita sa nayon at doon sila ikakasal.
Katulad din ng Kuya Saro, upang huwag lumaking lubha ang kanilang gugol, ay manghihiram na lamang siya ng isang terno kay Abogado Narding na kasintaas niya at nakakasinlaki niya ang pangangatawan. Hinggil sa kasuutang pangkasal ng kanyang magiging kabiya, aba, bibigyan niya ito ng limampung piso, katulad din ng ginawa ng kanyang Kuya Saro, upang ipamili ang maiibigan.
Ang lahat ng iya ay napagkayarian na ni Alberto at ng kanyang ama. “Hindi na matatapos ang aking buhay na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo sa habang panahon,” ang ibig isagot ng kanyang ama bilang katugunan sa lahat ng panukala ni Alberto. Subali, ang marahan at malumanay na ipinakli niya sa kanyang anak ay ganito:
“Pabayaan mo at gagawan ko ng paraan ang lahat ng iyan. Makikipag-usap ako kay Ingkong Karyo.”
Hindi napansin ni Alberto ang pangungulimlim ng mukha ng kanyang ama na noon ay tila nag-iisip nang malalim. At lalong hindi nalalaman ni Alberto na masaganang luha ang bumalong sa mga mata ng kanyang ina nang matanto ang mga kinakailangang ihanda sa nalalapit na kasalan.
Huwebes pa lamang ng hapon ay nakita na ng amga taganayon sa Amaya na dalawang bakang matataba ang nakatali sa puno ng sampalok sal likod-bahay nina Alberto. At kinabukasan ng umaga, madilim-dilim pa halos ay nakalalagim an sigaw ng dalawang baboy na mabibilog ang pumukaw sa pagkakahimbing ng mga kapitbahay nila. Tangkal-tangkal na manok ang idinating pa noong Sabado ng hapon.
“Mukhang malakasan ang kasal ni Alberto,” ang salitan ng isa’t isa sa pagupitan ni Isyo nang Sabadong iyon.
“Talagang ganyan tayong mga taganayon kung napapasubo,’ ang nakangiting tugon ng isang matandang kasalukuyang noong ginugupitan ni Isyo.
Ano pa nga’t talagang malakasan ang kasal ni Alberto. Lahat ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan. Sabado pa lamang ng hapon, ay nasa tahanan na ni Angela,ng kanyang makakaisang-dibdib at hindi magkamayay sa paggawa. Naroon si Pablong Tapa na siyang naglalapa ng dalawang bakang matataba. Si Olet ang siyang pumatay sa dalawang baboy na mabibilog. Ang mga dalaga at ilang matatanda ang pumupugot sa mga liig ng manok at naghihimulmol sa mga iyon. Si Martang Batok at si Eboy naman ang pinagpapawisan mula sa liig hanggang sa mga paa sa paghaot ng tubig sa may-kalayuan din namang igiban. At si Ture ang nagpapalakol sa malalaking putol na kayoy na panggatong. Sa harapan ng bahay nina Angela ay nagtayo sina Tiyo Kantong, Tinteng Pulo, Kayong, Ulo, Able, Imyon at iba pa, ng isang palapala ng pinagdatig-datig na mga layag na dinampol na nakatali sa batalan ng bahay ay may tatlo o apat na tungko ng malaking bato na kinasasalangan ng mga pinaglulutuan ng sinaing at mga pang-ulam. Ang nangangasiwa rito ay si Pakitong kusinero. Sa ilalim ng palapala ay may tatlong mahahabang hapag na pinagdugtung-dugtong at napaliligiran ng mga bangkon mahahaba rin. Dito nagsisikain ang mga pangkaraniwang tao sa nayon, inanyayahan man o hindi, na dadalo sa kasalan.
Sa itaas ng bahay, sa makaanhik ng hagdan, ay may isa pa ring malaking hapag na siyang kakanan naman ng mga bagong kasal at mga piling panauhin.
Ang pinakahihintay na araw ng Linggo, ang araw ng kasal, ay sumapit din. Ang mumunting bisita sa nayon na napapalamutihan ng mga bulaklak at maraming papael na may iba’t ibang kulay, ay nagsikip sa maraming taganayong nanonood sa kasal ni Alberto at ni Angela. Pagaktapos na makasal, sinabugan pa sila ng masaganang bigas nang lalabas na lamang sa bisita at inihaid pa ng banda ng musiko, kasama ang makapal na tao, sa tahanan ng babae. May mga paputok pang nagpasikdo ng dibdib.
“Talagang ibang magpakasal ng anak si Mang Ambo,” ang bulong ni Tininteng Edes kay Konsehal Kose samantalang sila’y kumakain.
“Iyan ang tungkulin ng isang ama sa kanyang anak na lalaki’” ang parawang wala sa loob namang tugon ni Konsehal Jose.
Nang matapos ang pagpapakain sa lahat ng panauhin ay mag-iikalawa na ng hapon. Ang tugtugan, satsatan, at halakhakan ay noon pa lamang nagwakas. At, kaya lamang may kaunti pang kaguluhan ay dahil naman sa pagliligpit ng mga kasangkapang ginamit sa kasalan na ang karamihan ay hiram sa mga kapitbahay.
Mag-iikatlo na marahil ng hapon nang iuwi ni Alberto si Angela sa kanilang tahanan. Marami pa ring tao, mga kaibigan at kamag-anak, ang nagsisama sa kanila. At pagdating sa bahay ay muli na namang nagkaroon ng inuman ng alak, siagawan at pagkakatuwa na umabot hanggang sa mag-iikawalo marahil ng gabi.
Sa kabila ng marubdob na pagnanais ni Alberto sa maringal at masayang kasalan bago dumating ang araw na iyon, ay nakaramdam din siya ng pagkayamot nang hindi pa umaalis ang mga panauhin. Naiinip siya sa mga taong tila hindi nasisiyahan sa masaganang handang kanyang idinulot. Sa kabila ng lahat, ay may karapatan naman siyang masarili ang ngayo’y kabiyak na ng kanyang puso sa harap ng Diyos at sa harap ng batas.
Sa wakas ay lumisan din nga ang mga panauhin. Pagkakain nila ng hapunan at pagkatapos ng ilang sandali ng pakikpagkuwentuhan ay nasok na sila ni Angela sa tanging silid na tutulugan sa kanilang bahay, na napapagitnaan lamang ng sawali mula sa buwagang hihigan ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Masaya silang dalawa, matagal na nagbiruan, nagtuksuhan at nagtawanan. Nang ang gabi ay malalim na at tahimik na ang lahat, ay hindi natiis ni Alberto na di itanong nag malaon nang inais niyang itanong.
“Giliw, nasiyahan ka ba sa maringal at masaya nating kasal?”
“Mangyari pa,” isasagot sana ni Angela na siya namang hinhintay ni Alberto. Subalit, si Angela ay hindi nakatugos. Si Alberto naman ay natigilan, May naulinigan silang nag-uusap.
“Magkano ang inutang mo kay Ingkong Karyo para sa kasal ni Alberto?” Tinig yaon ng ina ni Alberto.
“Tatlong daang piso, hindi pa kasali roon ang dalawang baka. Bukas daw niya ahalagahan.” Si Mang Ambgo ang nagsasalita.
Ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata. Tinakpan ng dalawang palad ang kanyang mga tainga. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang nakinig.
“Hindi na tayo makakabayad sa pagkakautang kay Ingkong Karyo. Hangga ngayon ay hindi pa natin nababayatain ang ating inutang sa kasal ni Saro!”
“Kaipala nga, at lalo pa kung iisiping apat pa itong anak nating lalaki na hindi nakakasala,” ang buntung-hininga ni Mang Ambo.
ni Efren Abueg
Sa taya ko'y mga dalawampu't anim na taon siya. Maputi. Mataas. Matangos ang ilong. Malalamlam ang mata. Malago ang kilay. Daliring-babae. Nakapantalon ng abuhing korduroy at iskiper na kulay-langit. Nagbakasyon ako sa Naga sa anyaya ng isang kaibigan, at nang pabalik na ako sa Maynila lulan ng tren, ay nagkatabi kami sa kotseng primera klase. Nakababagot ang mahabang paglalakbay. At sa kawalan ng mapaglibanga'y nakipag-usap ako sa kanya. Hindi siya masalita, ngunit isa siyang mabuting tagapakinig. Malungkot ang kanyang tinig, at ang ilang kasagutan niya sa mga katanungan ko'y tila kakambal ng hiwaga. Naitanong ko kung saan siya nanggaling. "Marami akong pinanggagalingan," sagot niya. "Naglilibot?" "Siguro. Ewan ko." Sa manaka-nakang pagsasalita niya'y natiyak kong malawak ang kanyang kaalaman. Bawat paksang buksan ko'y saklaw niya: sining, siyensiya, kasaysayan, relihiyon, pulitika. Sa madaling salita'y sinapit namin ang Maynila. Bago kami naghiwalay ay nagkamay kami't nagpakilala sa isa't isa. "Minsan, magpasyal ka sa bahay." Sinabi niya ang kanyang tirahan; tinandaan ko iyon at nang magkalayo kami'y itinala ko sa likod ng kaha ng posporo. Aywan ko kung anong pang-akit mayroon si Emmanuel upang hangarin kong magkita kaming muli. Dinalaw ko siya makalipas ang limang araw. Marahil ay labis ang katagang "nanggilalas," ngunit tunay na nanggilalas ako nang makita ko ang bahay na tinitirhan niya. Mahirap ilarawan ang bahay na iyon. Ang masasabi ko lamang, bago ako makapagpatayo ng gayong bahay ay kailangang tumama muna ako ng unang gantimpala sa karaniwang bolahan ng suwipistik. May pulang Thunderbird sa carport. Bago ako pinatuloy ng isang utusang babae ay ipinagbigay-alam muna niya kay Emmanuel ang aking pagdating. Nasa salas si Emmanuel, nakaunat sa mahabang sopa. Nakaputing korto siya, hubad-baro. Mabalahibo ang kanyang binti. Ang mukha niya'y namumula: marahil ay dahil sa alak. Umiinom siya. Nakangiti sa akin si Emmanuel, ngunit ni hindi siya tumayo. Inginuso niya ang isang sopa. Maingat na naupo ako. "Kumusta, brad?" bati niya. "Eto," kiming sagot ko. "Iinom tayo, brad." Husto sa mga makabagong kasangkapan ang kabahayan. May hi-fi. May telebisyon. May telepono. Bentilador. May piyano. "Kung alam kong ganito ka, brad," sabi ko habang sinasalinan ko ng wiski ang basong kaaabot pa lamang sa akin ng utusan, "baka nag-isip muna ako nang makasampu bago ako nagpunta rito." "Ow." Nasakyan niya ang nais kong ipakahulugan. "Walang kuwenta iyan." Itinanong ko ang mga kasambahay niya. "Ako lang, saka ilang katulong." Sa pag-uusap nami'y nalaman kong ulilang lubos na siya. Ang kanyang mga magulang ay nasaawi sa sakuna samantalang nagliliwaliw sa buong daigdig; umano, ang eroplanong kinalululanan ng mga magulang niya'y bumagsak sa Roma. Ang tanging kapatid niya, lalaki at matanda sa kanya, ay may asawa na. Ang paksa'y nagawi sa pag-aaral. "Tapos ako ng medisina pero hindi ko ginagamit," sabi niya. "Hindi ko naman kasi hilig iyon pero siyang ipinakuha ni Mommy. Doktor si Mommy. Sabagay, hindi ko naman alam noon kung anong karera ang talagang gusto ko. Ikaw?" "Kumuha ako ng komersiyo pero nahinto." "Bakit?" "Kinapos," patawang amin ko. "Nagtatrabaho ka na lang?" "Nagbibilang ng bituin. Kung medyo ginaganahan, nagsusulat...nagkukuwento ng mga kalokohan." Dumidilim na nang magpaalam ako. Inihatid ako ni Emmanuel hanggang sa makalabas ng tarangkahan. "Bumalik ka," sabi niya. Tumango ako bagama't hindi ko tiyak kung mababalik pa nga ako sa bahay na iyon. Ngunit nagbalik ako pagkaraan ng dalawang linggo. At gaya noong unang pagsasadya ko roon, si Emmanuel ay dinatnan ko na namang umiinom. Nagkaroon siya ng kainuman. Sa pagbibidahan nami'y naitanong niya kung ako'y mahilig sa babae. "Lalaki tyao, brad," sabi ko. "Anong klaseng babae naman ang gusto mo?" "Maganda. Mabait. Malambing. Ikaw?" "Ewan ko. Maglabas tayo ng babae, gusto mo?" May pumitlag sa dibdi ko. "Kung sa gusto'y talagang gusto ko. Pero hindi ako puwede ngayon." "Kuwarta?" Matunog siyang makiramdam. Tumango ako. "Ow. Walang kuwenta iyan." May tinawagan siya sa telepono. "Susunduin natin sila mamayang alas-otso," pagkababa sa auditibo'y sabi ni Emmanuel. Doon na ako naghapunan. Ikapito ng gabi'y lulan na kami ng Thunderbird. Dumaan kami sa tindahan ng bulaklak at bumili ng dalawang corsage. Alam ko kung kanino namin ibibigay ang mga bulaklak at naisip ko na hindi yata basta babae ang ilalabas namin. Hindi nagkamali ang kutob ko. Ang dalawang babaing kinaon namin, sa mga bahay na tila kastilyo, ay kapwa maganda, parang mga manikin. Myrla ang pangalan ng nakapareha ko. Nagtabi kami sa hulihang upuan ng Thunderbird. Sa kagandahan ni Myrla, at sa bangong nalalanghap ko ay parang ibig kong mangarap nang dilat. Naumid tuloy ang dila ko at bahagya ko nang kausapin si Myrla. Nagnaitklab kami---inom, bidahan, sayaw, inom, sayaw. magkahalong Ingles at Tagalog ang usapan namin. Kalaliman ng gabi'y nilisan namin ang naitklab. Sumagap kami ng hangin sa baybay-dagat. Madilim, ngunit naaaninaw kong hinahalikan ni Emmanuel ang kanyang kapareha. Nobya pala niya, naisip ko. Si Myrla, na ni hindi ko sinasanggi ang kamay, tuwing babalingan ko ay nababanaagan kong nakatingin sa aking mukha. "Lanta naman ako sa kaibigan mo, Manny," sabi ni Myrla, at nagtawa. Madaling-araw na nang ihatid namin ang dalawang babae. "Ikaw, saan kita ihahatid?" tanong ni Emmanuel. "Magtataksi na lang ako." Ngunit mapilit si Emmanuel kaya pumayag na akong pahatid sa kanyang kotse. Sa daan ay sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit pinagtawanan ako ni Myrla. "Moderno sila. Puwede mong hawakan. Puwede mong halikan...for the fun of it, 'ika nga. Pag hindi mo ginawa iyon, parang naiinsulto sila." Wala sa hinagap ko na ang pagkikilala namin ni Emmanuel ay hahantong sa pagiging matalik na magkaibigan. Dumalas ang punta ko sa kanyang bahay. Kapag ginagabi kami sa pagkukuwentuhan, na may kahalong inuman, ay doon na niya ako pinapatulog. Malimit din ay doon ako kumakain. Ngunit habang nagkakalapit ang kalooban nami'y lalo naman siyang nagiging mahiwaga sa akin. May mga pagkakataong parang nawawala siya sa sarili. Nalilingunan ko na lamang na nakatanga siya, waring sakmal ng malalim na pagmumuni. At kapag napuna niyang pinagmamasdan ko siya, agad ay ngingiti siya. Isang araw, samantalang nagbabasa ako sa kanyang aklatan, ay narinig ko sa piyano ang Fantaisie-Impromptu ni Chopin. Lumabas ako. Nasa harap siya ng piyano. Pagkatapos niyang tumugtog ay pumalakpak ako. "Marunong ka pala niyan, a," sabi ko. Nagkibit-balikat siya. Madalas ay lumalabas kami: naglalaro ng boling, naliligo sa mga beach resort at karay namin ang kung sinu-sinong babae, na bilang katuwaa'y maaaring halikan. "Huwag ka lamang gugusto sa sinuman sa kanila, brad," bilin sa akin ni Emmanuel. "Bakit?" "Mayayaman sila, brad. Mahirap silang mapaligaya kahit na ipaghalimbawa nating mayaman ka rin." Nalaliman ako sa sinabi ni Emmanuel. Natitigan ko siya. Ngumiti siya, ngunit ngiting wari'y kaakibat ng hiwaga. Isang gabi'y napansin kong lulugu-lugo si Emmanuel. "Maligaya ka ba, brad?" tanong niya, at ako'y natigilan. "Kung minsa," sagot ko, "pero kadalasa'y hindi." "Sa mga sandaling hindi ka maligaya, alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi ka maligaya?" "Siyempre. Kabiguan sa mga hangarin, halimbawa." "May kinalaman ang pera sa mga kabiguan mo?" "Malaki." Tumingkad ang lamlam sa kanyang mga mata. "Hindi ka ba naiinggit sa kalagayan ko?" tanong niya. "Sino'ng hindi maiinggit sa kalagayan mo?" "Nagising ako sa kasaganaan. Mababait, mapagmahal, ang aking mga magulang. Ano man ang hilingin ko sa kanila noo'y ibinibigay nila. Malawak ang kanilang lupain. Si Daddy, bago namatay, ay pangulo ng isang shipping company. Nang masawi sila sa sakuna, kinuwarta ko ang lahat ng ari-ariang minana ko, at inabot iyon nang mahigit na isang milyon. Akin na ang daigdig, sabi ko noon sa sarili. Kukunin ko ang lahat ng kaligayahang maaaring maibigay sa akin ng perang iyon. At ang pagkakilala ko noon sa kaligayahn ay iyong lagi kang may kalong na babae. Iyong may maganda kang bahay, kotse, mga utusan. Nabibili mo ang gusto mong bilhin. Napupuntahan mo ang gusto mong puntahan. Natitikman mo ang gusto mong matikman. Kaya lustay dito, lustay doon ang ginawa ko. Nagalit ang kapatid ko. 'Bakit hindi mo puhunanin sa negosyo ang kuwarta mo?' tanong niya. Pero ayokong magnegosyo. Nakita ko kung gaanong hirap ang inabot ni Daddy sa pagnenegosyo. At mismong si Daddy ang nagsabi na walang katahimikan ang isang naghahawak ng mabibigat na katungkulan. Naisip ko tuloy na mali ang panuntunan niya sa buhay. Ang paghanap ng salapi, nasabi ko noon sa sarili, ay hindi nakapagpapaligaya. Ang paggasa niyon ang nakapagpapaligaya." "Tama." "Ewan ko, brad." "Hindi ka pa maligaya sa buhay mong iyan?" "At ang parteng iyon ang masakit, brad...iyong alam mong nasa iyo na ang lahat para lumigaya ka ay hindi ka pa rin maligaya. Ikaw, kung hindi ka man maligaya'y alam mo naman kung bakit. Pero ako'y hindi ko alam, bagaman nadarama kong parang may hinahanap ako na di ko naman malaman kung ano. Ano pa ang kulang sa akin? Nakapaglibot na ako sa daigdig. Saliksik ko na ang Pilipinas. Nagsugal ako...alak...babae. Binili ko ang bawat maisipan kong luho. Santambak nang libro ang nabasa ko. Nag-aral pa ako ng piyano pagkat baka 'ika ko nasa sining ang hinahanap ko. Maski saan ako sumuling, wala." Nakarinig ako ng sunud-sunod na busina---businang kilala ko---at nang dumungaw ako sa bintana ng apartment na inuupahan nami'y nakita ko ang Thunderbird ni Emmanuel. Pinapagbihis ako ni Emmanuel. Nagtungo kami sa isang cocktail lounge sa Malate, at uminom. "Baka sa isang buwa'y maalis ako, brad," pagbabalita niya. "Gusto kong maglakbay." "Hindi ba't nakapaglakbay ka na?" "Pero iba ito, brad. malamang, e, wala nang balikan ito." Nayanig ako. Ngunit hindi ako nagpahalata. "Paano ang mga ari-arian mo rito?" tanong ko. "Ililipat ko sa kapatid ko." Kung ako'y babae, marahil ay iniyakan ko ang pahihiwalay namin ni Emmanuel. Lumulubog na ang araw at maipu-ipo sa paliparan. Nagkamay kami nang mahigpit. Nakangiti si Emmanuel ngunit hindi maganda ang kanyang ngiti, at naisip ko na marahil ay gayon din ang pagkakangiti ko. "Good luck, brad," sabi ko sabay tapik sa kanyang balikat. Nang lumulan siya sa eroplano, naisip ko na marahil ay nakita ko siya sa huling pagkakataon.
ni Epifanio G. Matute
Noon ay buong kataimtimang minalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maaliban, marahil, sa maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanunyo at halos kasiimputla na ng isperma. Maya-maya’y marahang dinama ng kanyang palad ang noo ng nahihimlay na maysakit. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga ay napakislot na animo’y biglang nagulat ngunit hindi rin nabalino sa pagkakahimbing.
“Maria Santisima!” ang nahihintakutang bulong ni Impong Sela sa kanyang sarili samantalang iniaangat ang kanyang kamay mula sa pagkakadantay sa noo ng apo.” Nagbalik na naman ang kanyang lagnat.”
Ang matanda’y nakaramdam ng isang biglang bugso ng lungkot sa kanyang dibdib. Ang lagnat ng bata ay nawala na, dalawang araw na ang nakararaan, salamat sa kanyang santong kalagyo, ngunit ngayo’y. . .
Mahal na Ina ng Awa!
Ito’y kanyang ikinababalisa. Nalalaman niyang ang lagnat na nagbabalik ay lubhang mapanganib. Ano kaya kung ang kanyang apo, ang kanyang pinakamamahal na si Pepe’y. . . Maawaing langit!
Bakit, hindi ba siya ang maituturing na nagpalaki sa kanyang apong ito! Kauna-unahan niyang apong lalaki sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki, sa katauhan ni Pepe ay ibinuhos ni Impong Sela ang lahat na pagmamahal at pag-aaruga ng isang impo. Hindi halos nalalaman ng mga magulang nito kung paano siya lumaki. Laki sa Nuno ang tawag sa kanya. At tapat sa kasabihang iyon, si Pepe’y lumaki sa layaw, sa malabis na pagpapalayaw.
Siya ang nagging dahilan ng malimit na pagkakagalit I Conrado at ni Impong Sela. May mga pagkakataong ang anak at ang ina ay nagkakapalitan ng maiinit na sagutan, ngunit kailanman, palaging ang matanda ang nagtatagumpay. Hindi niya mapapayagang masaling man lamang ng ama ang kanyang si Pepe.
At saka ngayo’y. . .
Si Impong Sela’y nagsimulang mag-isip nang malalim. Kailangang si Pepe’y maligtas sa kuko ng kamatayan. Sa kanyang pagkalito ay pumasok sa diwa ang gunita ng mga santo, panata, debosyon…
A. . .!
“ Mahal na Hesus Nasareno!” ang kanyang marahang bulong kasabay ang pagtitirik ng mga
mata, “Para Mo nang awa! Iligtas Mo po ang aking apo at magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po siyang kunin.”
Natatandaan pa niyang ang panata ring yaon ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe
nang ito’y pitong taon pa lamang. Kahimanawari ay ito rin ang magligtas naman sa kanyang apo!
Maya-maya, ang maysakit ay kumilos. Dahan-dahang idinilat niya ang kanyang mga matang wari ay nananaginip at saka tumingin-tingin sa kanyang paligid. Hindi naglaon at namataan niya ang kanyang impo sa kanyang tabi.Inilabas niya ang kanyang kamay sa kumot at saka iniabot ang kamay sa matanda.
“Lola.” ang mahinang tawag.
“Oy, ano iyon, iho?” ang tugon ni Impong Sela sabay pihit at yumukod nang bahagya upang mapakinggan niyang mabuti ang sasabihin ni Pepe.
“Nagugutom ako.”
“Ikukuha kita ng gatas.”
“Ayoko. Sawa na ako sa gatas.”
Ang matanda ay nag-atubili. Gatas, sabaw ng karne, katas ng dalandan, tsaa, at wala na. Ang mga ito lamang ang maaaring ipakain sa kanya ayon sa bilin ng doctor.
“Ibig mo ng kaldo, anak?”
“Ayoko!”
1
“Katas ng dalandan?” Kangina lamang umaga’y itinulak niya at natapon tloy ang idinulot ng matanda. At si Pepe’y ayaw na ayaw ng tsaa, noon pa mang siya’y malakas.
“Lola, nagugutom ako!” Ang tinig ni Pepe’y may kahalo nang pagkainip.
“Sandali lang, iho,” sabay tindig ng matanda at lumabas sa silid.
Pagkaraan ng ilang sandali, Si Impong Sela’y nagbalik na taglay na kanyang kamay ang isang pinggan ng kaning sinabawan ng sinigang na karne , at isang kutsara.
“Eto, anak, ngunit huwag kang kakain nang marami, hane?”
Pagkakita sa pagkain, si Pepe’y nagpilit na makaupo ngunit pabagsak na napahigang muli sa unan. Ang matanda’y nagmamadaling lumapit sa apong nanghihina.
“Huwag kang pabigla-bigla, iho,” aniya, samantalang inaayos ang mga unan sa tabi ng dingding.”O, dito ka sumandal.”
Sa tulong ng kanyang lola, si Pepe’y nakasandal din sa unan. At siya’y sinimulan nang pakainin ni Impong Sela. Isang kutsara. Dalawang kutsara. Tatlo. Apat. Katulad ng isang hayok na hayok sa gutom ay halos sakmalin ni Pepe ang bawat subo ng kanyang lola.
“Nanay! Ano ang . . . “ Si Conrado’y patakbong pumasok sa silid at tinangkang agawin mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin ngunit huli na! Ang pinggan ay halos wala nang laman.
“Nanay! Wala ba kayong isip?” ang sa pagkabigla ay naibulalas ni Conrado .
“Hindi ba ninyo nalalaman ang bilin ng doctor na…”
“Ow, hayaan mo ako!” ang madaling putol sa kanya ng matand. “Nalalaman ko kung ano ang aking ginagawa. Paano lalakas ang bata kung papatayin ninyo sa gutom? Hindi siya mamamatay sa kaunting kanin. Bayaan mo siyang mamatay na nakapikit ang mata at huwag nakadilat. Totoooooy! Neneeeee!”
Ang dalawang maliliit na kapatid ni Pepe’y tumatakbong pumasok sa loob ng silid.
“Huwag kayong tatakbo! Hindi ba ninyo nalalamang may sakit ang inyong kapatid? O , kanin ninyo ito,” at idinulot ni Impong Sela sa mga bata ang natirang pagkain ni Pepe, “saying kung itatapon itong grasya ng Diyos.”
“Huwag!” ang halos naisigaw ni Conrad. “Inay, hindi ba ninyo nalalamang si Pepe’y may tipus?”
“E, ano ngayon? Ang mga bata ay mahahawa, hindi ba?” anang matanda sa tinig na naghahamon. “Ang hirap sa inyo’y pinaniniwalaan ninyong lahat ang dala rito ng mga Amerikano. May korobyo kuno ang sakit ni Pepe na siyang makakain ng mga bata.Tse! Bakit noong kapanahunan naming, walang paku-pakulo ng tubig, walang poso-artesyano, at nanggagaling lamang sa balon an gaming iniinom na kung minsan ay may liya pa. Tingnan mo ako. Gaano na ako katanda ngayon? Kung ang karobyong iyang pinagsasasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako namatay? At kayong mga tubo sa panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan sa inyo ang umaabot sa edad naming? Kaukulang lahat iyang pinagsasasabi ninyo. Kung ibig ng Diyos na ikaw ay mamatay ay mamamatay ka, magpagamot ka man sa isang libong doctor. Sa kanya ka umasa at huwag sa kalokohan. Kanin ninyo ito.” ang baling sa mga apo, “ at huwag kayong parang tuod sa pagkakatayo!”
Si Totoy at si Nene ay nag-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang amang pagkatpos ng mahabang “sermon” ng kanilang lola ay walang nagawa kundi ang magsasawalang- kibo na lamang.
“Bakit, natatakot ba kayo?” ang tanong ni Impong Sela sa kanyang mga apo. Hinagisan pa mandin ng isang irap ang kanyang anak, at saka hinugot ang tsinelas mula sa kanyang paa. “Tingnan natin kung sino ang masusunod sa bahay na ito!, Kanin ninyo ito, kung hindi’y…”
Nanginginig na sumunod ang mga bata, samantalang ang kanilang ama’y tumatanaw na lamang sa labas ng durungawan.
Kinabukasan, si Pepe’y nahibang sa lagnat. Nagbalik ito sa isang matinding bugso na siyang hindi ikapalagay ng maysakit. Tila siya iniihaw, pabiling-biling sa hihigan, at nakalulunos kung humahalinghing. Sa mga mata ni Sinang na kanyang ina ay nalalarawan ang isang paghihirap ng kaloobang isang ina lamang ang maaaring makadama sa gayong mga sandali, samantalang minamalas niya ang kahambal-hambal na ayos ng kanyang anak. Naroon din si Impong Sela. “Masama ang kanyang lagay.”
Hindi nagkamali ang doctor. Sa loob ng sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa kanyang higaan at naghihiyaw ng kung anu-anong ikinakakagat ng labi ng mga nakamamalas. Ang mga luha ni Sinang ay tila walang-lagot na tanikala. Walang patid. Walang-tila. Ang mga ngipin ni Conrado’y nagtitiim. Samantalang si Impong Sela ‘y bumubulong ng walang katapusang mga panalangin.
2
“Sinang,” ang marahang tawag ng lalaki sa kanyang asawa, “huwag kang umiyak. Ang mabuti kaya’y dalhin natin siya sa ospital.”
“Ospital? At nang siya’y pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag ninyong madala-dala si Pepe ka sa ospital. Kung kayo’y nagsasawa nang mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo kaming maglola.Maaalagaan ko rin siyang mag-isa. Mabuti ka ngang ama! Noong ikaw ay maliit pa, sa tuwi kang magkakasakit , ako ang nagtitiyaga sa iyo at hindi kita inihihiwalay sa aking mga paningin. Kung ito’y hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon – hayaan mo’t ako ang gagawa!”
“Ngunit, Nanay!” nasa tinig ni Conrado ang pagsusumamo at pagmamakaawa.
“Ano ang ating magagawa rito? Kulang tayo sa mga kagamitan. Samantalang sa ospital. . .”
“Samantalang sa ospital,” kapag si Impong Sela’y nagsimulang manggagad, siya’y handing makipaglaban, “lalo na’t ikaw ay nasa walang bayad, ay titingnan ka lamang nila kung kailan ka nila ibig tingnan. Ano ang kuwenta sa kanila ng isang maysakit na hindi naman nila kaanu-ano? Mamatay ka kung mamatay ano ang halaga sa kanila niiyon? Tingnan mo ang nangyari kay Kumareng Paula, isang araw lamang sa ospital at. . . Ave Maria Purisima! Huwag ninyong gagalawin ang apo ko! Hindi maaari!”
Sa mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang dugo! Ibig niyang humiyaw, ibig niyang maghimagsik, ibig niyang magtaklob na ang langit at lupa!
Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namutawi kundi ang impit na “Diyos ko! ! !” Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang “hayaan- mo- na- ang- Nanay” na tingin. Kasabay ang isang malalim na bunting-hininga si Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na.
Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iis. Siya’y hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap at saka ngayon pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong tinusok sa kanya ng manggagamot ay saka. . .
“Bakit, Nanay?” ang namamanghang tanong ni Conrado.
“Naiisip-isip ko,” ang kanyang hikbi, “ ang anak na dalagita ni Juan ay kamamatay lamang noong isang lingo!”
“O, ay ano?” lalo namang namanghang tanong ng anak na hindi maiugpong ang pagkamatay ng anak ni Mang Juan sa mga luha ng kanyang ina.
“Iya’y totoo! Huwag mong pagtatawanan ang matatandang pamahiin. Marami na akong nakita. Iya’y hindi nagkakabula.”
“Pawang nagkataon lamang ang nakita ninyo. Huwag ninyong guluhin ang isip ninyo sa kaululang iyan.”
“ Ang isa pa,” ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin, “kagabi, ang mga manok ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw. Kaawa-awang Pepe kooo!”
At…
ni Rogelio Sicat
"BAKA makikipag-away ka na naman, Impen."
Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.
"Hindi ho," paungol niyang tugon.
"Hindi ho...," ginagad siya ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo'y lagi ka ngang mababasag-ulo."
May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.
Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis ang mga palad at pagkaraa'y naghilamos.
"Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo," narinig niyang bilin ng ina. "Wala nang gatas si Boy. Eto ang pambili."
Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab na iniunat ang mahahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod.
Umingit ang sahig ng kanilang barungbarong nang siya'y pumasok.
"Nariyan sa kahon ang kamiseta mo."
Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na giris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo.
"Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang mukha."
Bahagya na niyang maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunud-sunod na nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng nanggigimalmal na mesang kainan. nagsisikain pa.
Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama'y maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas.
Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.
"Yan na'ng isuot mo." Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip.
Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayo'y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang tinungo ang hagdan.
"Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang ina. "Huwag mo nang papansinin."
Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.
Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsisimula ng panunukso:
"Ang itim mo, Impen!" itutukso nito.
"Kapatid mo ba si Kano?" isasabad ng isa sa mga nasa gripo.
"Sino ba talaga ang tatay mo?"
"Sino pa," isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"
Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang hari sa gripo.
Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito:
"E ano kung maitim?" isasagot niya.
Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang nitong kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang batok.
"Negrung-negro ka nga, Negro," tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo ang buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso...Namamalirong!
Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya sa sarili. Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya'y isang sundalong Negro na nang maging anak siya'y biglang nawala sa Pilipinas.
Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?)
"Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!"
Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang napagtuunan ng sarisaring panunukso.
Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula noon, nagsimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik: nagsusumigaw na paghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.
Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton niya ang mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barungbarong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga paslit: Negro!
Napapatungo na laamang siya.
Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan.
Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula't mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailanman binigyan ng pagkakataong maging kaibigan.
Halos kassingulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig; tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.
Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulog tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan niyang inalis sa pagkakakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana'y huwag siya ang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.
Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod niyang maong. May isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook. At bihira ang may poso.
Tanghali na akong makauuwi nito, nausal niya habang binibilang sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwag ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila'y nasa labas pa niyon.
Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.
Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon, kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli ang pila? naisip niya. Makasasahod din ako.
Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula sa tindahan:
"Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!"
Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman.
"Negro," muli niyang narinig, "sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!"
Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor?
Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid ng balde, nakikia niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya'y nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap ang balat sa kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa ibabaw ng kanyang nguso. may butil na rin ng pawis sa kanyang ilong.
Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang batok---kaylamig at kaysarap ng tubig sa kanyang batok. Malamig. Binasa niya ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang naramdaman na tila nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balikat.
"Negro!" Napauwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsalita. Si Ogor. "Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa lamig."
Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakita na nginingisihan siya nito.
Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni ogor. Napabuntong-hininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik.
May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinundang balde. Susunod na siya. Makaka sahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya sa sarili. pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas.
Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong balde, at isasahod na lamang ang sa kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. Si Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig.
"Gutom na ako, Negro," sabi ni Ogor. "Ako muna."
Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde at kumalantog ang kanilang mga balde. Iginitgit din niya ang sa kanya, bahagya nga lamang at takot na paggitgit. "Kadarating mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako muna sabi, e," giit ni Ogor.
Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob niya ang kaunting nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor.
"Ano pa ba ang ibinubulong mo?"
Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabiawang balde. Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo!
Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak siya.
"O-ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. "Ogor!" sa wakas ay naisigaw niya.
Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.
Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang mga bisig.
"O-ogor..."
Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumuslit ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak siyang gumuglong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha'y larawan ng matinding sakit.
Matagal din bago napawi ang paninigas ng kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanyang mga mata nang siya'y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.
Si ogor...Sa mula't mula pa'y itinuring na siya nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon ni Ogor?
Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat.
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. nagyakap sila. Pagulung-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya'y mapaibabaw, sinunud-ssunod niya: dagok, dagok, dagok... pahalipaw... papaluka...papatay.
Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Marumi ng babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya isang maitim, hamak na Negro! Papatayin niya si Ogor. papatayin. Papatayinnn!
Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang nararamdaman sakit. Wala siyang nararamdamang sakit!
Kakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano...si Boyet...si Diding...At siya...Negro. Negro. Negro!
Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas at nag-uumiri siyang umigtad. napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, dagok, dagok...
Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang nagsasanggang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...
Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor.
"Impen..."
Muli niyang itinaas ang kamay.
"I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...a-ako...s-suko...n-na...a-ako!"
Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya Abut-abot ang pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.
Marmaing sandaling walang nangahas magsalita. Walang makakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Ang nababakas niya'y paghanga. Ang nakita niya'y pangingimi.
Pinangingimian siya!
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.
Sa matinding sikat ng araw, tila sya ang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.Unknownnoreply@blogger.com0